Posts

Maunlad na Lipunan sa Hinaharap

Image
      Ang pag-unlad ng isang indibidwal ay nakadepende rin sa kalidad ng lipunang kanyang ginagalawan. Ang bawat lipunan ay naghahangad ng pag-unlad hindi lamang para sa benepisyo ng isang indibidwal kundi ay para sa benepisyo ng bawat isang indibidwal. Ayon kay Dr. Manuel Dy Jr., ang ating mga kakayahan ay nahuhubog sa paglipas ng panahon kasama ng ating lipunan. Sa makatuwid, ang isang tao ay hindi natututo at  umuunlad dahil sa kanyang sarili lamang. Kinakailangan niya ang mga kaalamang makukuha bilang kasapi ng isang lipunan upang maging matagumpay sa pagkamit ng kanyang personal na mithiin.       Bawat lipunan ay naglalayong magkaroon ng produktibong mga kasapi at upang makamit ito, kinakailangan ang magkasamang kontribusyon ng namumuno at ng pinamumunuan. Ang isang mabuting pinuno ay may kakayahang isakatuparan ang kanyang mga plataporma upang itaguyod ang kanyang nasasakupan. Taon-taon ay parte ng National Budget ang Interval Revenue Allotment o IRA at nangangahulugan ito n